Sunday, March 23, 2008

ginisang langis ng palawan

nakakatuwa ang isang tao sa pierto
tuwang-tuwa na siya sa 3'ng milyon
na nakukuha niya sa iginisang langis ng palawan
at nakakapagawa na raw siya ng mga
kalsada at pier at school na mga multo naman.
at puro pintura ng pangngalan na lang.
at ngayon kinuha na ulit ni glorfia
ang yaman ng bansa katulad ng pagkuha niya
noon bago mag eleksiyon
ibinenta naman sa ulan ng pera
dahil baka umulan ng bala galing sa chekwa
sa halip pinaulanan sila ng pera.
nauna pa ang mga pera bago ang mga proyekto...
isang himala!
kaya nagkandarapa ang mga asong ulol
sa kagagawan nito
ngayon nagkahilohilo na tuloy ang tao
ng pinas pati na ang mga obisko at erap
di na nila alam kung alin ang dasal at rason
tuloy nagkalukoluko na ang mga kambing at tupa
na nahalo na sa mga asong ulol
at lobo na inaalalayan na lamang ang mga kasakiman...
buti na lang nandoon pa ang puta.
tuwang-tuwa na ang isang taong lobo
sa puerto at ipinamumudmud daw ang kita ng palawan
na galing
sa galoc at kalayaan...
nakakatawangnakakahiya na sa halip sanang
bilyong halaga na makakagawa nang
tamang pamahalaan sa lugar-lugar
eh tuwa na siya sa milyon na pagpapartihan ng milyong
tao. totoong nakatutuwangnakakahiya ang taong ito
sana paulanan na sila ng balang at usok ng mga angel
habang walang dugo sa mga pintuan nila
at huwag lampasan ng mga angel
upang di makatawid sa tubig ng pulang dagat






maligayang paskong muli sa lahat?!...




ps

hanggang kailan kaya ikakatwa ni pedro ang tupa?
pakinggan na lang natin ang sermon sa halamanan
habang hinuhugasan ni pilato ang kamay
at isinisigaw ng mga lobo si barabas
at hayaan na lamang ang mga manininda sa templo
ang kanikanilang ginto at negosyong nakahambalang
sa tahanan ng tatay sa tahanan ng tao



(pagpapahayag) at paglalayag
kawawanamanangpinas

No comments: