Thursday, February 2, 2012

the Spirit of Basin -revisited ;-)


Jose Rizal said: PEOPLE WHO DO NOT KNOW WHERE THEY CAME FROM DO NOT KNOW WHERE THEY ARE GOING. The reason we do not have a sense of country is that we do not have a sense of history.

The best thing we can improve Culion is not ONLY that we have more natural resources, and how to be productive on this area.... we also need better political system or even better leaders.and most of all the people should have a sense of community. The spirit of involvement. HERE LIES THE MAJOR PROBLEM. Not to mention the budgets!

I am going back to the past, because i’m questioning the present in order to see my future.. Above all, I get to have a sense of belonging to the community, or as that sublime Filipino word goes, "malasakit" for it. This is my compassion for the community, my sympathy for the community, my desire to do something for the community.

Basin is the product of my past. And it represents the beautiful values of our parents and grandparents; to preserve it is to preserve the memory of the great things they have done; their suffering, their love for one another; their laughter, their tears, their hopes, their dreams. They wanted to tell me or us that we are standing on the shoulders of great men; that we should
Not forget their warm hearts and their sacrifices; that we should treasure, and honor the beautiful gifts they have left us. at the least the “malasaki” they have done and endure... and one of this is the symbol of basin...

Again my argument is “basin is the heart of my community, of brotherhood and of family. It is the symbol of my becoming, my joys, and youthfulness. The destruction of it is the undoing of my past and of my community.”

I want to remember my past. I want to preserve my past and one of the great memories of it all is the CULCAG-Marina...  basin.


twenty or 30 years ago during or before the full moon we usually play many games in this place, like hide & seek, 'taragtagan', 'maro-maro', 'turubigan' and other games. Sometimes we just simply watched the moon while chatting and sharing our stories & jokes. We also play some guitars or just the plastic drums singing o “maliwanag na buwan” and other stupid songs...

Then during the day we will go swimming after our pasabit the traditional way of fishing at pantalan which I think originally made in culion. Of course by the pasabit experts Bingel and manong Nonoy Taal and many more. Some had their pakaskas also on their bancas. fishing by the dawn... also to mention the protections of the bancas inside it.

Basin was where we all learned how to swim. From the first 'langoy-aso' stroke to all the swimming strokes like breaststroke, freestyle, backstroke and butterfly... then to the daring jumps from stairs to pantalan. We also went to coral reef diving wearing our handmade goggles to watch the spectacular beauty of corals and fishes. We even try to chased the 'tunggaw', 'sap-sap', and 'matambaka' around the posts of pantalan. In this way we'll learn how to dive deeper in the sea holding our breath for a long time. Then on the 'pantalan' with all the other kids holding our hands, we run and jumped to the sea swimming farther to the deep sea... and when there were wooden ships from manila we'll go to the top jumping from the roof and swam back to basin...

When we already master all the strokes of swimming we'll go practicing for the swimming competitions in our schools and fiestas and for the palawan provincial sports meet to the region IV athletic meet the STRAA. I still remember when we were practicing for the swimming competitions, we swam starting from basin to Jardin shore then back to 'pantalan' and continue to the back of the Immaculate church shore in the colony then back to basin, tracking the coral reefs of Culion proper. A marathon swimming... So those were the years that we produce or introduce swimmer champions for the whole palawan. not to mention the future swimmer athelete that is becoming...

During San Juan which is the rainy season the whole community and families were gathering around the place for picnic and of course “basaan ng dagat o tubig” with all their snack foods and some drinking sessions while playing... even there were all kinds of jelly fish we run around from basin to pantalan and jump while the rain were showering us. everybody were very cautious about the jelly fish but still some of us were stung by its venomous string-like stingers.

But aside from these dangerous jellies, I remember one time, one of the magical moment that really happened there that I cannot forget. That was rainy day when even the sun was shining.... there was a rainbow right in front of us circling around pantalan.. all of us were hypnotized! and we all jumped straight on the rainbow. We were shouting with joy and laughters. looking for the golden pot jokingly. It was pure happiness, the most enchanting moment about 'pantalan' and basin. Nothing can compare to that experienced we had on this place, simply pure joy. simply full of life.

and now look at the place called development by the president, the governor, the congressman, the mayor, the people. development for what? what kind of product are they shippings or producing? importing goods from other places. look at the site it’s full of tricycle that cannot even maneuver on the roads of balala. not to mention the talipapa traffic and becoming polluted...and many more conflicts... it looks ugly. lonely and empty life! (for me)

But culion might still have its hope and dreams... a challenge for all.
and this query will forever live in everyone’s mind, dwelling in everybody’s heart and nailed in all human spirit... without this life can be more sinister. can become more like PPA of culion.


(basin revisited; still relevant today)

I thought this was a dead issue, but no it resurrected like a monster but even bigger this time. What were the mistakes with regard to this power of executive order No. 403... simply because it was called development? Then this is also a reflections... or my forever argument: “basin is the heart of my community, of brotherhood and of family. It is the symbol of beauty, goodness, joy and unity. The destruction of it was simply the destruction of them all even until this very moment after 5 or 6 years.” ;-)

They called PPA as development... :( really?!
and now there's another kind of development they are spreading in town.. their antithesis..

The questions like; what is the difference between personal(selfish) gains and the ability to do good, that which is essentially the kind of development that is enforced to help the weak. The poorest. The powerless... The people.

Development can reduce community when it utilizes all the elements of forces (guns goons & golds) only for one’s disposal in order to protect one’s own private interest nor private properties. It is what the psychologists described as ego-consciousness… the lowest form of consciousness that is vest to the animal instinct of “survival of the fittest”? yes... It is simply serving the original sin. They will do anything without even moral basis and conscience.

Then, who are the fittest in culion nowadays? Who are their sycophant who cannot repress their animal instinct and frustrate their neighbors even friends not more than their community?... adoring their sham icons. Buying all the lands and iconic islands and seas...

So what is true development? Is it building accesses for self-glorification? or is it the reflection of growth that develop the true political realm of community services?.. can we call them growth or services?

What is true development? Is it the land properties or the people? ppa or basin? Is it the enjoyment of growth, or just a way of escaping this banal existence? this indifference?...

What is true development? Is it the ridiculous ideas of this apocryphal claims of serving other people? or is it the springing of actuality where works are made to articulate the spirit of involvements or what they called advancement? Cofusing people with things that evolve yet become so disrectful, bogus and blasphemous, pretending like god or councilors or tongressman?

Why is it always painful to go out there and view those empty walls where the abysmal void hurt with the shameless reformation of it all? Why do we have to make walls of isolations on progress and betterment? Why do we have to clog and cast off commonality? Why do we have to wall the CULCAG, PANTALAN, pitogo or even some islands? Why is it that this development seems to have lost its spirit and moralities?

What are great achievements and strides made of? Why does we find the equal deterioration of the bayanihan spirit found in community the spirit of oneness and solidarity... but instead we have apathy and torpidity, we have walls of CULCAG and PANTALAN and pitogo? OR THIS? ;))

The complexities of modern life have become so bizarre as the philosophy of secularism have been well applied to defeat underdevelopment --- transforming materialism as the basic essential commodity that will feed the human body... Ah I think they’re just serving survival instinct... Then life might become formidable, unreasonable, vexatious and weaked, so painful, so sad and morose. Transforming the culion into monkey-business... Then where are the sustainable livelihood of PASABIT?! Where are the community and family?

Development includes business and can order by laws of the president or congressman or mayor... a kind of system. Yes indeed a system is a system that without which we cannot function in an organized way. But this kind system became a place to create an illusion of control… where they hide to call it developments. wow!

But the problem lies not in the system or laws. It lies in the hearts of man or woman where progress has been assign to a mere ego and materialism -- where people were being denounced of involvements, belongingness, in place of indifference... the price tags of money money money, where goodness and beauty became so ugly & bad!..

But development is not for the weak heart nor cowards or for those ego-conscious-mind who only serve their animal instinct where reasons & courage are irrelevant and nonsense… please, it is not for them all!

True Development should be the backbone of a town, of a true leader. obviously it must be effective and produce GOOD results. Its created projects must depict, capture and document great achievements of great people’s way of life and values. Without it a place may not have been existed. (just like PPA now it is there in our midst but useless.. more so, repressing the people) Great minds that move the course of a community’s future know the value of development as an essential component in the promotion of ethics of pure life…

Development is a community canonization...
so it should belong to the people, for the people and by the people!..

but look around culion nowadays, they become the concept & influence of PPA mentality - WHO DO NOT KNOW WHERE THEY CAME FROM & DO NOT KNOW WHERE THEY ARE GOING, who do not have a common sense and a sense of history and basin.

The best thing we can improve Culion is not ONLY that we have moral integrities and dignity, new leaders and true development but most of all the people should have a sense of community. The spirit of involvement, the sense & the SPIRIT OF BASIN.

here lies the future of our stagnant isla culion... ;(so help us God:)
COURAGE islaculion! courage let us change this future ;)


...........


Ayon kay Jose Rizal: ANG TAONG HINDI MARUNONG LUMINGON SA PINANGGALINGAN AY HINDI MAKAKARATING SA PAROROONAN. Samakatwid, ang dahilan kung bakit ang tao ay walang malasakit sa bayan ay dahil wala itong pakialam sa kanyang kasaysayan.

Ang kagandahan at kakayahan natin na maiangat ang Culion ay hindi lamang sa pamamagitan ng ating likas na natural na kayamanan, at pagiging malikhain, kundi kailangan din natin isang epektibong sistema sa politika na kung saan ang namumuno sa bayan kasama na ang mga tao’t naninirahan dito ay magkaroon ng pagkakaisa. PAGKAKAISA ANG SOLUSYON. Imbes, ito ngayon ang pangunahin nating problema sa CULION.

Babalikan ko ang NAKARAAN, dahil may tanong ako sa KASALUKUYAN, at upang malaman ko ang sagot at makita sa HINAHARAP. Bukod sa lahat, nararamdaman ko ang pangangailangan ng aking komunidad o sa madaling salita "malasakit" sa bayan. Ito ang aking nararamdaman para sa komunidad, malasakit para sa komunidad at kagustuhan ko mula sa aking puso namakapag kawang gawa sa aking komunidad.

Ang Basin ay ang isang produkto ng aking nakaraan. Sinisimbolo nito ang magagandang kultura’t mabubuting mga kaugaliang itinuro ng aking mga magulang; ANG PAG-INGATAN ITO, PANGALAGAAN ANG MAGAGANDANG ALAALA’T MABUBUTING BAGAY NA KANILANG GINAWA; ang kanilang pagsasakripisyo, ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa; ang kanilang kaligayahan, ang kanilang kalungkutan, ang kanilang pag-asa, at ang kanilang mga pangarap. Tila nais nila itong ipaalam sa akin na tayo ay nakatayo’t naninirahan sa lugar ng mga dakilang mamamayan; at ito ay hindi natin kailanman dapat kalimutan ang tatag ng kanilang puso at ang pagsakripisyo sa bayan. Dapat natin itong pagkaingatan at ipagbunyi’t igalang ang magagandang biyayang iniwan nila sa atin. Ang “malasakit” na kanilang ginawa para sa ating bayan ay nananatili’t nangingibabaw... Isa na dito ang basin – na kung saan ay simbolo ng pagmamalasakit at pagbabayanihan nilang lahat sa NAKARAAN para sa atin na nabubuhay sa KASALUKUYAN...

Sa madaling salita “Ang basin ay ang puso ng komunidad, pagkakaisa at pagmamahalan. Ito ay simbolo ng aking nakaraan, kasalukuyan at hinaharap, simbolo ng aking kaligayan at kabataan. Ang pagkasira nito ay hindi gawain ng aking Nakaraan at nang aking komunidad.

Nais kong sariwain ang aking nakaraan. Nais ko itong paka-alagaan at ingatan para sa mga susunod pang henerasyon. At ang karamihan sa magagandang alaala ng nakaraan ay nasa CULCAG-Marina – Ang basin.





Mahigit dalawampung taon (20 years) o tatlumpung taon (30 years) na ang nakalilipas sa twing darating ang kabilugan ng buwan, madalas kami ay naglalaro sa basin, sa pantalan, sa bilog at sa culcag nang, “tagu-taguan”, “taragtagan”, 'maro-maro', 'turubigan' at marami pang iba. Minsan naman ay aming pinagmamasdan ang buwan habang nakikipagkwentuhan at nakikipagbiruan sa aming mga kaibigan. Madalas din kami’y naggigitara at nagtatambol gamit ang plastic na lata habang kumakanta nang “Oh Maliwanag na Buwan” at iba pang nakakatuwang awitin.

Sa araw naman kami ay lumalangoy sa basin at pantalan matapos magpasabit our pasabit na sa aking pananaw ay sa Culion lang merong ganun. Ang mga pasabit experts na aking kilala ay sina Binggel at Manong Pabling Taal at marami pang iba. Ang iba sa kanila ay merong pakaskas ang iba naman ay nasa Bangka nila nangangawil lalo na sa pagbukang liwayway.

Ang Basin ay kung saan kaming lahat natuto lumangoy. Mula sa 'langoy-aso' hanggang sa matutunan lahat ng uri o istilo ng paglangoy tulad nang; breaststroke, freestyle, backstroke at butterfly... Kasunod nito ay ang lakasang loob na pagtalon mula sa hagdan ng pantalan at sa mga batil kung minsan. Madalas din kami sumisid sa lugar kung saan maraming coral reef gamit ang antiparang gawa lamang ng sarili naming mga kamay upang mapanuod o makita ang ganda ng mga corals and isda sa ilalim ng dagat. Minsan ay hinahabol pa naming ang mga isdang 'tunggaw', 'sap-sap', and 'matambaka' sa mga post ng pantalan. At sa ganitong paglilibang natuto kaming sumisid ng mas malalim pa sa ilalim nang dagat habang pinipigil namin ang aming mga hininga ng matagal. Naalala ko din sa pantalan, kasama ang aking mga kaibigan at magkakahawak ang mga kamay, kami ay tumatakbo at tumatalon patungo sa dagat para mas lalo pa kaming pumailalim sa pagbagsak namin sa dagat... At sa twing may mga batil na dumudunggo o dumadaong sa pantalan, umaakyat kami sa pinaka taas na bahagi nito at tumatalon patungo sa dagat...

Nung kami ay naging bihasa sa paglalangoy, sumasali kami sa mga school competition tulad ng Provincial Meet at Southern Tagalog Regional Athletic Association o STRAA. Dala namin ang pangalan ng aming bayang Culion at kami naman ay nagwawagi sa mga palaro na kung saan nagbibigay karangalan sa ating bayan partikular sa swimming competition. Naalala ko pa nung kami ay nagpapraktis sa paglangoy bilang paghahanda sa palahok, nilalangoy namin ang mula sa basin patungo sa may dagat ng barangay Jardin at pagkatapos balik sa pantalan at basin at pagkatapos diretso naman sa may dagat sa likod ng Simbahan ng Immaculada o Immaculate Church sa Barangay Libis, at pagkatapos ay balik muli sa pantalan. Swimming Marathon kung tawagin... Ito ang mga taong nagpakilala sa maraming kampeyon sa buong probinsya ng Palawan at buong rehiyon ng Southern Tagalog na pinagmamalaki ng ating bayan.

Sa twing sasapit naman ang Pista ni San Juan na nagaganap twing panahon ng tag ulan, ang buong komunidad ng Culion ay nagdiriwang; halos lahat ng pamilya ay nagtitipun-tipon sa basin para mag-picnic at para na din makipag “basaan ng dagat o tubig.” Bawat pamilya ay may kanya kanyang mga baong pagkain ang iba naman ay may mga baong inuming alak... Kahit pa merong mga salabay (jelly fish) o ‘abot’ kung tawagin sa amin, ito ay balewala at patuloy pa rin kami sa pagtalon sa pantalan at paglangoy sa dagat sa gitna ng malakas na buhos ng ulan. Lahat ay maingat sa paglalangoy umiiwas matamaan ng salabay o “abot” pero may iba pa ring minamalas na masalabay o ma-abot kung tawagin sa amin.

Naalala ko pa ang isang magandang karanasan namin na hinding hindi namin malilimutan na kung saan isang araw na maulan at ang araw ay sumisikat pa din kahit maulan, meron kaming nakitang bahaghari o rainbow sa harap namin mismo at napapalibutan ang pantalan. Lahat kami na nanduon ay naakit at sabay sabay tumalon patungo sa bahaghari. Kami ay naghihiyawan sa aming kasiyahan habang nagbibiruang hinahanap ang gintong kayamanan sa dulo ng bahaghari. Napakasayang karanasang iyon sa basin at pantalan na hindi kailanman mapapalitan ng kung ano pa man.

Ang karanasang iyon ay isa na lamang alaala ngayong kasalukuyan. Ngayon, pakitignan mabuti ang aming lugar, ang aming basin ang aming kasiyahan at kaligayahan. Ito ba ang tinatawag ninyong PAGBABAGO o DEVELOPMENT aming presidente, gobernador, congressman, mayor, at aking mga kababayan? Pagbabago para saan? Anong klaseng produkto ang dinadala o inaangkat sa bayan namin? Ano ang mga transaksyon? Tignan nyo mabuti ang lugar na puno ng tricycle na hirap magmaneobra sa daanan ng barangay balala kung saan naroon itinayo ang PPA – sa lugar kung saan ang basin nakatayo noon.

Sa kabilang banda, maaaring ang ating bayan ay meron pang pag asa. At ito marahil ang hamon para sa ating lahat na taga Culion. Ito ang tanong na tatatak sa ating mga puso’t isipan... Kung wala na tayong pag-asa ang buhay natin ay walang mangyayari magiging abandona at nakakulong sa alaala ng nakalipas. Tulad ng basin natin matatabunan lamang tayo ng lupa ng PPA kung mawawalan tayo ng pag asa at hindi mangangarap na umahon. Kung makapagsasalita lamang ang basin marahil ay dumadaing na ito sa hirap sa kasalukuyang dinaranas na pagkabaon ng lupa ng PPA. Hindi man ito makapagsalita naririnig namin sa aming mga puso’t kaluluwa na umiiyak ang basin at humihingi ito ng tulong sa atin. Sana ay wag tayo magbulag bulagan at magbingi bingihan, magtulungan tayo na muling mabuhay ang ating basin.



Akala ko ang isyu na ito ay tapos na. Hindi pa pala, sa halip ito ay muling nabuhay at mas lumaki pa sa pagkakataong ito. Anu ano ang mga pagkakamali sa kapangyarihan ng Executive Order No. 403 o ang utos ng dating presidente na si GLORIA MACAPAGAL ARROYO para maitayo ang PPA sa ating basin? Dahil ba sa Development o Pagbabago na kailangan ng ating bayan?

Ang basin ay ang puso ng ating komunidad, samahan, pagkakaisa at pagmamahal ng bawat pamilya sa Culion. Ito ay simbolo ng kagandahan, kabutihan, kaligayahan at pagtutulungan. Ang pagkasira ng basin ay pagkasira din nang ating simbolo na mararamdaman natin hanggang ngayon at magpakailanman kung hindi tayo gagawa ng hakbang at magtutulungan.

Tinatawag nila na ang PPA ay development o ang Pag-unlad ng bayan... Pagbabagong hindi man lang ginalang o nirespeto ang sentimyento ng taong bayan. Tama ba yun? Tama ba na sirain ang iniingatan nating yaman alang alang sa PAGBABAGO? Tama ba na i-sakripisyo natin ang ating kultura para lamang sa PAG UNLAD?

Ano ang tunay na pag unlad o pagbabago? Ito ba ay paraan para makilala at purihin ang isang indibidwal na may akda o pakana nito? O ito ba ay isang imahe ng pag angat ng pagtutulungan at pagkakaisa? Pwede ba natin itong tawaging pag asenso o pag serbisyo sa bayan? Ano ang tunay na ibig sabihin ng PAG UNLAD?

Pag unlad ba ang tawag sa lupang nasira sa ating bayan? Sino ang pipiliin nyo ang PPA ba o ang basin?

Bakit lagi nalang tayong nasasaktan sa twing lalabas ng bahay at makikita ang nakakakilabot na tanawin ng mga pader na tumatakip sa ating nakaraan? Bakit kailangan natin gumawa ng pader para harangan ang ating nakaraan alang alang sa tinatawag na pag unlad? Ito ba ay nakabubuti sa atin o nakakasama? Bakit kailangan natin harangan at itaboy ang ating kaligayahan at pagkakaisa? Bakit kailangan natin bakuran ang CULCAG, BASIN at PANTALAN? Bakit ang pag unlad na ito na sinasabi nila ay tila kailangan tapakan ang ating masasayang nakaraan?

Bakit tayo nananahimik habang unti unting nawawala ang espirito ng bayanihan sa komunidad at pinapayagan na manaig ang pagiging makasarili’t pag-iisa? Sa halip nawawalan tayo ng malasakit sa bayan at pinapayagan natin na tayo ay tapak tapakan ng kapangyarihan ng iilan. Ito ba ang kaugaliang pinamana sa atin ng ating mga magulang?

Ang ating modernong pamumuhay ay tila ba nagmimistulang kakaiba habang patuloy natin pinapayagan ang ating sarili na mamuhay nang walang malasakit sa bayan. Gusto natin umasenso ang ating bayan kahit sa anong paraan at hindi man lang natin iniisip ang ating kultura at mga nakaraan – kahit maapektuhan pa ito ay wala tayong pakialaman. Sa halip tayo ay naniniwala na ang mga materyal na bagay ang ating pangunahing pangangailangan ng ating buhay. Kung ganyan ang ating pag iisip ay siguradong walang kahahantungan o patutunguhan ang ating buhay, ang ating bayan, asahan nyo ang ating pagbagsak ang pagkasira ng ating komunidad at nang ating tirahan. Ang Culion ay magmimistula na lamang gatasan ng mga mayayaman. Katulad na lamang nang simpleng pinagkukunan ng ulam – ang PASABIT. Kung inyong titignan nuon ang pagpapasabit pwede mong gawin kahit anong oras mo gustuhin. Ngayon ay tila may oras na lamang at meron nang nagkokontrol sa atin. Ito ba ang Pagbabago?

Kasama sa pag unlad ay ang pag angat ng negosyo. Sa atin ba ay umangat ang negosyo? Ito Pag unlad o Development ay maaaring gawin sa pamamagitan ng utos at kagustuhan ng president, congressman o mayor – ganyan ang sistema ng pagbabago. Oo nga at ganyan ang sistema, ngunit ang sistemang ito ay tila ba pumipigil sa ating mga karapatan para mamuhay sa ating bayan na ayon sa ating kagustuhan. At ang sistemang ito ay nagiging ilusyon na kung saan tayo ay nakokontrol at pinapaikot ng mga taong nasa ating itaas. Na kung ano ang gusto nila gawin sa atin ay kanilang ginagawa tulad na lamang ng pagkagawa ng PPA na kanilang itinago sa salitang PAG UNLAD NG CULION na atin naman agad na pinaniwalaan.

Pero ang problema ay hindi lamang sa sistema ng ating gobyerno, ito ay maaari ding magmula sa taong bayan. Nasa pag uugali nang bawat isa sa atin ang problema at ang solusyon nito. Kung tayo ay ayaw makiisa at walang malasakit at sa halip nagiging makasarili, ang problema ay ating asahan at hindi natin ito masu-solusyunan hanggat hindi natin binabago ang pangit na ugaling ito.

Ang tunay na pagbabago o pag unlad ay ang pundasyon ng mamamayan. Dapat ito ay epektibo at kapakipakinabang at magbibigay sa atin ng magandang resulta sa ating pamumuhay. Ang mga proyekto ng pagbabago ay dapat napapaloob ang respeto at paggalang sa kultura ng nakaraan at ng mamamayang ito. Kung wala ito ang pagbabago ay magreresulta lamang sa pagkasira ng bayang ito (katulad na lamang ng PPA ngayon, nariyan nga sa atin ngunit wala namang pakinabang bagkus ay nakakaperwisyo pa sa atin). Ang mga matatalinong indibidwal na nagging bahagi ng komunidad sa pagbabago ay alam ang kahalagahan ng nakaraan at merong respeto sa kultura ng bawat mamamayan at tinatrato nila ito bilang isang mahalagang sangkap patungo sa isang maayos na pag unlad na kung saan walang nasasagasaan o nasasaktan na sentimyento ng mamamayan.

Tignan nyo ang Culion ngayon, tila ba isa na syang konsepto at tulad na ng PPA na sumira sa ating nakaraan. Karamihan sa atin HINDI ALAM O MARUNONG LUMINGON SA NAKARAAN, AT HINDI RIN MARUNONG LUMINGON SA HINAHARAP, unti unit nang nawawala ang pagmamalasakit sa bayan, nawawala na ang pagrespeto sa nakaraan, nawawala na ang paggalang sa kasaysayan at wala nang pakialam sa basin. Karamihan sa atin ay nagsabing PABAYAAN NYO NA NANGYARI NA, HAYAAN MO NA ANG BASIN, ANG IMPORTANTE AY AGAPAN NA LANG ANG PWEDE NATIN AGAPAN SA HINAHARAP NA PWEDE PANG MASIRA. Tanong, ito ba ang tamang pagmamalasakit? Pano mo maaagapan ang hinaharap kung hindi mo kaya isalba ang nakalipas?

Isa lamang ang solusyon, ang balikan ang nakaraan at magkaisa tayo para maibalik ang sa atin ay nawala. Magtulungan tayo ibalik natin ang basin! sama sama natin itong hukayin. Hindi sa ayaw natin ang PPA, ang gusto lang natin ay mailipat ito sa ibang lokasyon sa bayan natin na kung saan ay hindi natatapakan o nasasaktan ang ating kasaysayan. Kaya natin ito kung sama sama tayo. At hindi tayo magtatagumpay kung watak watak tayo. Nawa’y buhayin natin ang diwa ng bayanihan sa bayan natin. Walang problemang hindi masusulusyunan kung tayo ay magbubuklod buklod at magkakaisa!


No comments: